--Ads--

CAUAYAN CITY–  Pinag-iingat ngayon ng mga kasapi ng Bureau Of Fire Protection  ang mga mamamayan dahil sa matinding init ng panahon.

Ito ay dahil mayroong bahay sa Barangay Villa Magat,  San Mateo, Isabela ang tinupok ng apoy.

Ang may-ari ng bahay na nasunog ay si Jericho Passion ng nasabing lugar.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni SFO1  Francisco Mateo ng BFP San Mateo, tinatayang 280 thousand pesos ang halaga ng bahay na tinupok ng apoy .

--Ads--

May hinala silang  nag-short circuit ang linya ng kuryente na pinagmulan ng apoy na tumupok sa nasabing bahay.

Ayon sa may-ari ng bahay mayroon silang kakaibang amoy ng nasusunog subalit inakala lamang niya na mayroong kapitbahay na nagsusunog ng basura ngunit noong nagtungo sa harapan ng kanyaang  bahay ay mayroong nakitang usok sa yero ng kanilang kusina.

Dali-dali  anyang pumasok sa loob ng kanyang bahay  at nakitang sa loob ng kanilang kuwarto ang pinagmumulan ng usok.

Batay anya sa pagsisiyasat ng BFP San Mateo  ay nag-short circuit ang linya ng kuryente sa loob ng bahay .