--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinalaga na Undersecretary for Regional Operations ng Department of Science and Technology (DOST) si Regional Director Sancho Mabborang ng DOST Region 2.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Engr. Sancho Mabborang na noon pang Pebrero 2021 ang rekomendasyon sa kanya ni Kalihim Fortunato dela Penia kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa susunod na linggo ay magsisimula na ang kanyang bagong tungkulin dahil pirmado na ng pangulo ang kanyang appointment at kailangan na lamang niyang manumpa.

Sinabi ni Engr. Maboorang na malaking hamon ito sa kanya dahil 16 na rehiyon na ang kanyang hahawakan kumpara noong regional Director pa lamang siya ng lambak ng Cagayan na isang rehiyon lamang ang kanyang tinututukan.

--Ads--

Isa sa nakikita niyang dahilan kaya siya itinalaga bilang Undersecretary for Regional Operations ng DOST ay ang pagiging competitive ng rehiyon sa loob ng nakalipas na limang taon.

Hindi aniya nalalayo ang region 2 sa region 1 at 3 at sa katunayan, sa huling tatlong taon ay naging number 1 pa ang rehiyon.

Ang malaking hamon lamang sa kanya ngayon ay kung paano magkaroon ng contribution dahil malapit nang matapos ang Duterte Administration.

Gayunman ay titingnan niya ang mga proyekto ng DOST na hindi pa natatapos at ito ang kanyang mga tututukan.

Bukod dito ay plano rin niyang pulungin ang mga regional director ng bawat rehiyon para pag-usapan ang kanilang mga kahilingan at kung paano sila matutulungan.

Isa rin sa kanyang titignan ay ang pagkakaroon ng magandang ugnayan ng mga DOST sa bawat rehiyon sa media gaya na lamang sa region 2 dahil malaking tulong ito para malaman ng mga tao ang kahalagahan ng teknolohiya.

Ang pahayag ni Engr. Sancho Mabborang