CAUAYAN CITY – Tinatayang nasa 100% na ng mga guro sa Lunsod ng Cauayan ang sang-ayon sa pagpapabakuna kontra Covid-19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. ng SDO Cauayan City, sinabi niya na nung una ay umabot lamang sa animnaput limang bahagdan ang mga guro na nais mabakunahan kontra COVID 19.
Ayon kay Dr. Gumaru, sa ngayon ay apatnapu’t pito na ang bilang ng mga gurong nabakunahan sa lunsod at ang iba ay natapos na ang ang ikalawang dose.
Maayos at wala naman aniyang negatibong epekto ang bakuna sa kanila kaya napawi ang pagdadalawang isip ng ibang guro at nagbunga ng pagdami ng mga guro na sumasang-ayon at nagnanais ng mabakunahan.
Mensahe ni Dr. Gumaru sa mga kapwa guro na hindi pa nabakunahan na maghintay na maayos ang mga schedule.