--Ads--
CAUAYAN CITY – Inilatag ng Pamahalaang Lunsod ng Santiago ang ilan pang aktibidad sa pagdiriwang ng Balamban Festival.
Sinabi ni City Mayor Joseph Tan na isasagawa ang ilang aktibidad sa selebrasyon ng Balamban Dance Festival Online kabilang na ang Search for Mutya ng Santiago 2021, Balamvibes at Balambands.
Hinikayat niya ang mga Santiaguenio na makiisa sa mga nasabing aktibidad pangunahin na ang mga may talento sa pagsasayaw at pagkanta para maipamalas ang galing at husay lalo na at may kaakibat na papremyo.
Siniguro naman niya na hindi maisasakripisyo ang mga health protocol na umiiral sa lunsod dahil sasailalim ang bawat kalahok sa Covid-19 test pangunahin na ang mga kandidata sa Mutya ng Santiago.
--Ads--











