--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasagawa sa susunod na linggo ang License To Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan sa ikalawang rehiyon pangunahin sa lunsod ng Santiago at lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Jaylord Sibbaluca, Chief ng Fire and Explosive Section ng Civil Security Group Region 2, katuwang ang kapulisan ay patuloy ang pagsasagawa nila ng Oplan Katok sa mga may-ari ng baril at pagsasagawa ng LTOPF CARAVAN.

Sa Hunyo 17-18 ay gaganapin ang LTOPF CARAVAN sa lunsod ng Santiago at sa Hunyo 25 ay isasagawa naman ito sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Batay sa kanilang talaan, halos 40,000 indibiduwal sa Lambak ng Cagayan ang registered gun holder at nasa 24,000 ang nagpaso na ang lisensya.

--Ads--

Dahil sa patuloy na pagsasagawa ng OPLAN KATOK ng kapulisan ay nasa 5,000 na ang nagkusang ipasakamay sa mga awtoridad ang kanilang baril na nagpaso na ang lisensya kaya pinaigting pa nila ang kanilang kampanya kontra loose firearms.

Pangunahin sa kanilang hakbang ngayon ang paglalatag ng mga Checkpoint at pagsisilbi ng Search Warrant sa mga hindi nakikipagtulungan sa kanila.

Ayon kay PMaj. Sibbaluca, mula noong Enero ay umabot na sa 5,563 ang naipasakamay sa kanilang armas at baril na kinabibilangan ng military police encounter recovered firearms, search warrant recovered firearms, voluntary surrendered, deposited at abandoned firearms.

Tinig ni PMaj. Jaylord Sibbaluca.