CAUAYAN CITY – Magsasagawa ngayong araw ng Communication simulation Flood Drill ang pamunuan ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System ngayong araw ng Sabado.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Josue Sabio , Acting Department Manager ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System na layunin ng kanilang isasagawang Communication simulation Flood Drill na pagtest ng kanilang mga flood forecasting warning sirens sa ibaba ng magat Dam pangunahin na ang mga tabi ng ilog sa mga bayan ng San Mateo, Cabatuan, Luna hanggang Naguillian, Isabela.
Kinakailangang ma-test ang kanilang flood forecasting warning sirens upang matiyak na gumagana lalo na pagdating ng panahon ng tag-ulan.
Mahalaga anya ang kanilang flood forecasting warning sirens dahil ito ang kanilang communication sa mga lugar na dadaanan ng mga tubig na pakakawalan ng magat dam.