
CAUAYAN CITY – Ilulunsad ng Commission on Election (COMELEC) Region 2 sa darating na lunes ang kanilang mobile app para sa mga botante.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Atty. Jerbee Cortez, Assistant Regional Director ng COMELEC Region 2 na ang application na ito ay puwedeng idownload sa internet.
Aniya, kapag naidownload na ang application ay puwede na ring idownload ang kanilang form para sa registration at kapag napunan na ay awtomatiko ng maggenerate ng QR code pero ito ay kailangang dalhin sa election officer para iscan at iparehistro.
Sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ay mayroon ito sa mga bayan ng Sta. Fe, Kasibu at Solano habang dito sa Isabela ay sa Reina Mecedes at Quirino.
Kung hindi naman madownload ang application ay puwedeng magpunta sa election officer.
Sa ngayon ay mayroon silang tatlong klase ng pagparehistro na kinabibilangan ng face to face, I-rehistro at ang kanilang ilulunsad na mobile app.
Maganda aniya ang I-rehistro at mobile app sa mga gustong magparehistro na natatakot sa face to face registration.










