CAUAYAN CITY – Umabot na sa mahigit 3,600 na mga kawani ng department of Education (DepEd) region 2 ang nabakunahan na kontra Covid 19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Amir Mateo Aquino ng DepEd region 2, sinabi niya nabakunahan na ang 3,637 na kawani sa 9 na Schools Division Offices (SDO) at Regional Office ng Deped ang nabakunahan.
Aniya, mababa pa ito dahil 13% pa lamang ito ng kanilang target na mapabakunahan sa mga empleado ng Kagawaran.
May mga kawani na hindi nagpabakuna dahil sa kanilang sitwasyong pangkalusugan at may ilan ding may agam-agam pa kung magpapabakuna.
Umaasa naman ang pamunuan ng DepEd region 2 na kung magkaroon na ng sapat na suplay ng bakuna ay mahihikayat din silang magpabakuna.
Patuloy ang paghikayat ng DepEd region 2 sa mga kawani na magpabakuna upang magkaroon ng proteksiyon laban sa virus.
Sa layuning mas mahikayat ang mga kawani na magpabakuna ay kasalukuyan na ang pagbuo ng guidelines para sa pagbibigay ng ng cash incentives sa mga magpapabakuna.