--Ads--

CAUAYAN CITY – Mayroon  nang Covid 19 benefit package ang PhilHealth para sa COVID-19 Testing.

Ito ay ang RT-PCR Test na nagkakahalaga ng 901 pesos kapag ang pamahalaan ang nagsubsidized sa RT PCR Testing habang 3,409 pesos naman kapag ang testing laboratory ang nagprovide sa testing kits.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Danilo Reynes, ang Regional Vice President ng Philhealth Region 2 sinabi niya may apat na ospital sa rehiyon ang may sariling molecular laboratory at nagsasagawa ng RT PCR Testing kaya sila ang maaaring magclaim ng  testing packages ng Philhealth.

Ito ay kinabibilangan ng Cagayan Valley Medical Center, Southern Isabela Medical Center, San Antonio of Ilagan Hospital at Philippine Red Cross.

--Ads--

Ayon kay Dr. Reynes kapag pribadong ospital ang nangolekta ng specimen samples at ipinadala sa apat na nabanggit na ospital ay tanging ang collection fee l ang babayaran ng miyembro na kinuhanan ng specimen.

Sa kasalukuyan ay marami na ang claims ng mga testing laboratories sa kanilang tanggapan na kanilang pinoproseso ang dokumento.

Nilinaw naman niyang hindi kasali ang rapid antigen testing sa package dahil hindi ito prescribe ng DOH.

Ang mga kwalipikadong maka-avail ng PhilHealth COVID-19 Testing Package ay lahat ng miyembro ng PhilHealth na inuri batay sa nilabas na kasalukuyang pamantayan ng DOH para bigyan ng test, mga kaso ng COVID-19 na nangangailangan ng pag-ulit ng test batay sa pamantayan ng DOH.

Lahat ng pilipino ay agarang makakagamit ng benepisyo, subalit kailangang magparehistro kung hindi pa rehistrado at maging aktibong miyembro ng PhilHealth.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Danilo Reynes.