CAUAYAN CITY – Muling naipagpaliban ang delivery ng mga sentinel pigs para sa mga backyard hograisers sa Rehiyon Dos ayon sa DA Region 2.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2 sinabi niya na inaasahan sanang ngayong linggo ang delivery sa mga sentinel ngunit ipinagpaliban ito ng supplier sa susunod na linggo.
Ang mga nasabing sentinel pigs ay ibibigay sa mga areas for testing na sa pag aalaga ng baboy matapos ang pananalasa ng African Swine Fever o ASF.
Ang mga hograisers na mabibigyan ng sentinel pigs ay mga mga napilitan na maagang magbenta ng kanilang mga alaga dahil sa takot na maapektuhan ng AF at ang mga na-cull ang kanilang alagang baboy.
Dahil sa kakulangan sa pondo ay muling hinikayat ng Kagawaran ang mga LGUs na kapag idineklara nang green zone ang kanilang nasasakupan ay tulungan din ang kanilang mga constituents at mag allocate ng pondo para sa muling pag alaga ng mga backyard hograisers kahit 16% lamang ng kapasidad ng mga kulungan bilang testing kung wala nang ASF sa lugar.
Ayon kay Regional Executive Edillo kapag natapos ang apatnaput apat na araw ay walang naitalang apektado ng ASF ay maaari nang lagyan ng full capacity ng mga alagang baboy ang mga kulungan.
Hanggang ngayon naman ay nasa Office of the President pa rin ang request na P161 milyon na pondo para sa indemnification sa mga naapektuhan ng ASF sa Rehiyon at umaasa ang DA Region 2 na ito mapirmahan na ng Pangulo upang maibaba na sa Tanggapan at maipamahagi na rin sa mga apektadong hograisers.
Naubos ang Quick Response Fund ng DA kaya ipinasa sa Contingency fund ng Office of the President.
Hinikayat naman ng DA Region 2 ang mga hograisers na mag avail ng insurance sa RSBSA upang may makuha silang katumbas na indemnification sakaling mamatay ang kanilang mga alaga sa ASF.