--Ads--

CAUAYAN CITY – Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act  9165 o comprehensive dangerous drug act of 2002 at  illegal possession of firearms laban sa apat na pinaghihinalaan na nasamsaman ng marijuana bricks sa bayan ng Quezon, Isabela.

Sa isinagawang operasyon ng magkasanib na puwersa ng Provincial Intelligence unit-IPPO, Quezon Police Station, PDEA Isabela,  Rizal Municipal Police Station, Regional Mobile Force Battalion, Tabuk City Police Station, RPDEU, PROCOR, PIU, KPPO, PECU KPPO, 1st PMFC, Kalinga Police Provincial Office, PECU, 1st PMFC-Isabela , RMFB2 ay matagumpay na naaresto ang apat na pinaghihinalaan.

Ang mga naaresto ay sina Jerwin Lipalam, dalawamput apat na taong gulang, mag-asawa residente ng  Dagupan, Tondo, Manila, Jayson Pallares, dalawamput dalawang taong gulang, may-asawa, tsuper, residente ng  290 10th Street, 10th Avenue, Grace Park Avenue, Caloocan City, Isang labing pitung taong gulang, laborer at  residente ng Tagumpay Street, Tondo, Manila at Alvin Guiyab, dalawampong taong gulang, may-asawa, tsuper, at residente ng Balagan, San Mariano, Isabela.

Ang mga pinaghihinalaan  lulan ng Isang Toyota Vios na may plakang number NDE 9548.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PLt. Col.  Eugenio Mallinllin, Chief ng Provincial Intelligence Unit ng IPPO  na nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Rizal Municipal Police Station at  Kalinga Police Provincial Office  hinggil sa kanilang isinagawang hot pursuit operation sa nasabing sasakyan ginagamit ng mga pinaghihinalaan na pagbiyahe ng mga illegal na droga.

Ang mga pinaghihinalaan sakay ng nasabing sasakyan ay tinakasan ang  Rizal, Kalinga Quarantine Control Point sa Barangay Romualdez.

Sampong bricks ng marijuana ang nakumpiska sa loob ng sasakyan na nakabalot sa silicon plastic na tinatayang nagkakahalaga ng 1.4 million pesos.

Nasamsam din sa pag-iingat ng Isa sa mga suspek ang Isang Caliber 38 revolver  na walang  serial number at   mayroong limang bala.

Inihayag pa ni PLtCol. Mallinllin na lumabas din sa kanilang pagsisiyasat na  pangalawang beses na umano ng mga pinaghihinalaan na kumuha ng  suplay ng Marijuana sa  Kalinga na ibinebenta sa  Metro Manila.

Dinala sa pagamutan ang mga suspek para sa physical examination bago ipanasakamay sa Quezon Police Station  ang mga Ito para sa dukumentasyon at maayos na disposisyon.

Ang bahagi ng pahayag ni PLt.Col. Eugenio Mallillin.