--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinumpirma ni Governor Rodito Albano ng Isabela na tumanggap siya ng magkaibang brand ng bakuna kontra sa Coronavirus Disease (CoViD-19).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Governor Albano na ang kanyang unang dose na COVID-19 vaccine ay AstraZeneca habang ang ikalawang dose ay Pfizer.

Aniya, nagprisinta siya sa Department of Health (DOH) na gamitin siya sa pag-aaral sa efficacy ng magkaibang COVID-19 vaccine sa katawan ng isang tao.

Ito ay dahil may mga pag-aaral sa ibang bansa na maganda ang epekto ng magkaibang bakuna.

--Ads--

Bukod dito ay gusto rin niyang ipakita sa mga tao na huwag matakot sa bakuna kontra COVID-19.

Umaasa si Gov. Albano walang negatibong epekto sa kanya ang magkaibang brand ng bakuna.

Ang pahayag ni Gov. Rodito Albano