--Ads--

CAUAYAN CITY – Ilang paglabag ang nakita ng BIR Isabela sa kanilang isinagawang Tax Mapping Activity ngayong taon sa mga establisimiento sa lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Compliance Chief Gladys Garcia ng BIR Isabela, sinabi niya na nasa dalawang establisimiento ang kanilang ipinasara dahil sa mga naitalang paglabag.

Ngayong taon ay naging maganda naman ang compliance ng mga may-ari ng establisimiento dahil agad silang nagtutungo sa BIR upang ayusin ang kanilang mga papeles at hindi na pinaabot pa sa pagpapasara sa kanilang  pag-aaring estabilimiento.

may dalawa  silang naipasara sa bayan ng Ramon na talagang mabigat ang mga  paglabag sa panuntunan.

--Ads--

Karaniwan sa mga naitatalang paglabag ay ang mga unregistered, kulang sa mga invoice at book keeping requirements, hindi nakadisplay ang issue receipt o certificate of registration sa mga establisimiento na kailangang nakikita ng taxpayer at mga hindi nakapagbayad ng registration fee para sa taong 2021.

Kung ikukumpara sa mga nagdaang taon ay mas kakaunti ngayon ang naitalang violators kahit pa kasalukuyan ang pandemya dahil karaniwan sa mga paraan ng pagkuha ng requirements ay online.

Iginiit ni Compliance Chief Garcia kapag umabot sa tatlong notices ang naipadala sa isang establisimiento ay sa korte na ang susunod kaya hindi dapat paabutin ng mga may ari sa tatlong notices at ayusin na kaagad ang kanilang paglabag.

Kapag hindi pa nakarating sa legal division ay maaari nilang ma-settle kahit walang natanggap na notice o letter mula sa BIR.

Ang bahagi ng pahayag ni Compliance Chief Gladys Garcia ng BIR Isabela.