
CAUAYAN CITY – Isasailalim sa Blue Alert Status ang Office of the Civil Defence o OCD Region 2 simula mamayang alas otso ng umaga bilang paghahanda sa Bagyong Emong na nasa Phil. Area of Responsibility
Kaugnay nito ay nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment ang OCD Region 2 sa pangunguna ng kanilang Central Office at ilang ahensiya ng NDRRMC bilang paghahanda sa Bagyong Emong nasa Phil. Area of Resposibility.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Civil Defense Operation Officer Dan Villamil ng OCD region 2 na pinag-usapan ang ukol sa paghahanda sa bagyong Emong.
Matapos anya niyo ay inalerto na ng OCD region 2 ang lahat ng Local Disaster Rosk Reduction Management Officers sa lahat ng mga LGUs sa rehiyon gayundin ang mga miyembro ng Regional DRRM Council.
Patuloy din anya ang pagbibigay ng OCD region 2 ng weather advisories sa mga LGUs pangunahin na sa mga coastal areas ng Isabela, ito ay bukod pa sa pamamagitan ng social media.
Bukod dito ay pinaalalahanan ang mga mamamayan sa gale warning at pinapatupad na “‘no fishing and no sail policy”.










