
CAUAYAN CIY – Umaabot na sa 1,915 na 4Ps Beneficiaries ng DSWD Region 2 mula sa ibat ibang lalawigan sa Rehiyon ang tuluyang nabakunahan kontra Covid 19.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Jeanette Lozano ng DSWD Region 2 sinabi niya na sa lalawigan ng Isabela ay nasa isang libo na ang nabakunahan.
Matatandaang kabilang ang mga pantawid beneficiaries sa prayoridad na mabakunahan kontra Covid 19 ng pamahalaan kaya inuuna ng ahensya ang mga senior citizens at mga may comorbidities.
Ayon kay Information Officer Lozano maganda ang pagtanggap ng mga benepisaryo kaugnay sa pagpapabakuna.
Patuloy naman ang paghikayat ng ahensya sa mga may alinlangan pa rin sa pagpapabakuna sa pamamagitan ng mga information dissemination at talastasan tuwing nagkakaroon sila ng Family Development Sessions maging ang mga nakuha nilang testimonya ng mga benepisaryong nabakunahan na.










