--Ads--

CAUAYAN CITY – Nabahala si Governor Carlos Padilla sa pag-apruba ng pambansang pamahalaan sa  Financial Technical Assistance Agreement (FTAA) ng Oceania Gold Philippines Corporation sa susunod na dalalwamput limang taon.

Sa naging panayam ng  Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Gov. Padilla na nababahala ag pamahalaang panlalawigan, pamahalaang lokal at mga barangay sa Kasibu, Nueva Vizcaya sa magiging epekto ng pagpapatuloy ng operasyon ng minahan.

Dumadaloy din ang kontaminadong tubig mula sa minahan sa mga ilog at sapa sa mga karatig na lalawigan ng Isabela, Quirino at Cagayan.

Pangmatagalan aniya ang  epekto ng kontaminadong tubig lalo na sa mga mangingisda.

--Ads--

Ayon kay Gov. Padilla, nagsisilbi ang Nueva Vizcaya na ng watershed area sa region  2 at region 3  kaya sa susunod na 25 taon ay  malaki ang epekto ng minahan sa kalikasan.

Ayon kay Gov. Padilla, may mga nabigyan ng trabaho sa minahan ngunit mas marami ang tutol sa operasyon ng minahan.                                                                                                                                                                                                                                                   

Patuloy aniya ang kanilang pagtutol sa operasyon ng minahan at umaasa sila na darating ng araw ay makikita ang hindi magandang epekto sa kapaligiran ng minahan.

Ang pahayag ni Gov. Carlos Padilla