--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay na ng makita ang isang magsasaka sa loob ng kanyang bahay sa Turod Sur, Cordon, Isabela.

Ang nagpakamatay ay 44-anyos at residente rin ng naturang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nagtungo ang ama ng lalaki sa kanyang bahay at nakita na lamang niya ang anak na nakabitin at may lubid sa kanyang leeg.

Agad niyang tinawag ang mga opisyal ng barangay at iniulat sa Cordon Police Station.

--Ads--

Nagresponde rin ang Municipal Health Office subalit idineklarang patay na ang naturang lalaki ni Dr. Michelle Corpuz.

Napag-alaman na may problema ito sa pagpapadala ng pera ng kanyang live-in partner na nasa ibang bansa.

Ayon naman sa live-in partner nito, mayroon silang problema sa pamilya at ilang beses na ring tinangka ng lalaki na kitilin ang kanyang buhay.

Katunayan, gabi bago ang pagkakatagpo sa katawan nitong wala ng buhay ay tumawag ito sa kanya at sinabing siya ay magpapakamatay.