--Ads--

CAUAYAN CITY– Patuloy ang imbestigasyon ng Diadi Police Station sa salpukan at pagliyab ng dalawang trailer truck na nagbunga ng pagkasugat ng tatlong tao  sa national highway  sa  Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauyan sa sa Diadi Police Station, ang nagbanggaan ay  isang Howo trailer truck na minamaneho ni Wilfredo Faustino, 66 anyos  at residente ng Malolos, Bulacan at  isang Izuzu  trailer truck na minaneho ni Walter Taguinod, 44 anyos at residente ng Tuguegarao City, Cagayan.

Sa imbestigasyon ni PEMS Denish Estrada ng Diadi Police Station, binabagtas  ng dalawang truck  ang magkasalungat na direksiyon nang  mangyari salpukan ng mga ito sa  palikong bahagi ng daan.

Dahil sa lakas ng banggaan ay  parehong  nagliyab ang dalawang truck.

--Ads--

Nadamay sa pagkasunog ng mga ito ang tindahan at bahay  na pag-aari ni  Delmar Garcia.

Kapwa nagtamo ng malalang sugat sa katawan ang driver ng dalawang trailer truck at ang  helper na  si Christopher Flores, 42 anyos na pawang dinala sa isang ospital.

Tumagal ng higit isang oras bago naapula ng Bureau of Fire Protection (BFP) Diadi ang  sunog na tumupok sa dalawang truck.