--Ads--

CAUAYAN CITY – Walang gaanong epekto ang bagyong Fabian sa Batanes dahil nararanasan lamang ang mahinang ulan, medyo malakas na hangin at matataas na alon sa karagatan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM) Officer Roldan Esdicul na nakamonitor ang PDRRMO at mga  Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa kanilang nasasakupan.

Wala pang naitalang  di kanais-nais na pangyayari dahil mahangin lamang ang panahon.

Ang mga mangingisda ay awtomatikong hindi pinapayagang maglayag sa karagatan kapag may gale warning ang PAGASA at kapag may bagyo.

--Ads--

Ang Philippine Coast Guard (PCG) aniya ay nagbigay ng babala sa mga mangingisda simula noong Martes na huwag pumalaot sa karagatan para sa kanilang kaligtasan.

Sa mga barko na nagdadala ng goods sa Batanes ay  isa na lang ang natira.

Kinansela rin ang flight ng mga eroplano  at maaaring sa susunod na linggo na magkakakaroon ng flight  dahil sa mararanasan hanggang ang sama ng panahon hanggang sabado.

Ayon kay PDRRM Officer Esdicul, patuloy ang pagbibigay nila ng impormasyon sa social media at nagsasagawa rin sila ng bandillo para maiparating sa mga mamamayan ang lagay  ng panahon.

Inaasahan aniyang magkakaroon  ng  epekto ang bagyo sa mga tanim na gulay.

Ang pahayag ni PDRRM Officer Roldan Esdicul.