--Ads--

CAUAYAN CITY – Inilunsad ng 86th Infantry Battalion, Philippine Army ang isang serbisyo caravan sa dalawang barangay sa Maddela, Quirino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Sgt. Benjie Maribbay ng 86th IB na noong ikadalawampu’t isa at ikadalawampu’t tatlo ng Hulyo ay inilunsad nila ang serbisyo caravan sa mga barangay ng Villa Gracia at San Dioniso Uno sa Maddela, Quirino.

Inilunsad ito ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino sa bunga na rin ng community support program katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng DILG, DOLE, DTI, TESDA at PNP.

Ayon kay Sgt. Maribbay, ang caravan na ito ay bahagi pa rin ng Executive Order No. 70 na naglalayong dalhin ang tulong ng lahat ng ahensya ng pamahalaan sa mga mamamayan.

--Ads--
Ang bahagi ng pahayag ni Sgt. Benjie Maribbay ng 86th IB Philippine Army.