--Ads--

CAUAYAN CITY – Puntirya ng Philippine Statistics Authority (PSA) Isabela na matapos ang pagpaparehistro ng mga mamamayan sa lalawigan sa National ID bago magpalit ang taon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Statistical Specialist 2 Cristilou Geronimo ng PSA Isabela, inaasahang sa darating na buwan ng Setyembre ay maipaparehistro na ang lahat ng kabilang sa batch 2 o ang mga isinailalim sa house to house interview noong Enero hanggang Abril, 2021.

Hiniling din ng PSA Isabela ang kooperasyon ng mga mamamayan sa bawat registration sites dahil dagsa ang bilang ng mga nagpaparehistro.

--Ads--

Bukod sa mga kabilang sa batch 1 at batch 2 ay mayroon ding online applicant na kailangang i-accommodate.

Aniya, sa halip na magreklamo kapag hindi nasusunod ang oras ay makipagtulungan na lamang dahil ginagawa naman ng PSA Isabela ang lahat upang mapadali at maging maayos ang kanilang pagpaparehistro.

Sa ngayon ay halos kalahating milyon na ang nakapagpatala sa Step 2 Phylsis Registration kaya patuloy ang paghikayat ng PSA Isabela sa mga mamamayan na magparehistro.

Ang pahayag ni