--Ads--

CAUAYAN CITY– Ilulunsad ng Department of Science and technology (DOST) Isabela ang hybrid electric road train sa City of Ilagan sa August 11, 2021.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Director Lucio Calimag ng DOST Isabela na handa na ang technology transfer ng proyekto nilang hybrid electric road train sa City of Ilagan.

Iikot ito bilang transportasyon sa naturang lunsod pangunahin na sa ilang barangay ngunit may oras lamang kung kailan ito gagamitin.

Tiniyak niya na malaki ang maitutulong nito sa mga tao dahil minimal lamang ang pamasahe ng mga sasakay.

--Ads--

Ang hybrid electric road train ay ginawa mismo sa Lunsod ng Ilagan sa tulong ng mga nasa metal industry.

Inaasahang sa loob ng isa at kalahating taon ay makabuo na ng dalawang train maliban pa sa ibinigay ng DOST Central Office sa Cauayan City.

Ang pahayag ni Provincial Director Lucio Calimag ng DOST Isabela