
CAUAYAN CITY – Nakatakdang bakunahan kontra Covid19 ang nasa isang libong PNP personnel na nakahimpil sa Timog na bahagi ng Isabela at karatig lalawigan kabilang ang Quirino Province.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCol. Reynaldo Dela Cruz, ang Director ng Santiago City Police Office kinumpirma niya ang isasagawang Vaccination Program para sa mga kapulisan ngayong araw, ikalabindalawa ng Agosto sa Santiago North Central School.
Ayon kay PCol. Dela Cruz, nasa isang libong Astrazeneca vaccines ang nakatakdang ipamahagi sa mga PNP Personnel mula sa Isabela South at ilan pang police peraonnel sa Quirino Province.
Ang vaccination program ay pangungunahan ng Regional Dental and Medical Unit ng Police Regional Office 2 na nasa dalawamput limang Medical Personnel, ilang SCPO Personnel katuwang ang ilang kawani ng City Health Office Santiago.
Paalala ni PCol. Dela Cruz na mahigpit na sundin ng mga himpilan ang mga Schedule sa mga nakatakdang mabakunahan na magiging Time keeping Management ang magiging sistema.
Tiniyak naman ng Director na ang mga posibleng ma- differed ay mababakunahan pa rin.
Aniya huwag matakot na magpabakuna dahil para sa kanilang mga pamilya rin ito at para sa proteksyon ng sarili.










