--Ads--

CAUAYAN CITY– Nasa Pagamutan pa rin at mga isolation facilties ang mga nagpositibo sa Delta Variant sa Tumauini, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Arnold Bautista ng Tumauini na hindi niya inasahan na maapektuhan ng Delta Variant ng COVID-19 ang kanilang bayan.

Nagkakaroon na rin anya ng local transmission sa kanilang bayan dahil sa mga dumarating na mga overseas filipino workers at ang mga galing sa Maynila.

Sa ngayon ay mayroong 111 active COVID-19 Case ang Tumauini at sa nasabing bilang ay siyam ang kinapitan ng Delta Variant.

--Ads--

Noong nalaman niya kagabi na nagtala sila ng Delta Variant ay inalam kaagad niya ang sitwasyon at siyam ang naitala sa kanyang bayan kung saan tatlong barangay ang apektado.

Sinabi ni Mayor Bautista na ang mga kinapitan Delta Variant ay nasa pagamutan at isolation facilities na.

Ayon pa sa Punong-Bayan, mayroong isang barangay na mayroong apat na tinamaan ng Delta variant na magkakapitbahay gayundin sa isa pang barangay.

Idinagdag pa ni Mayor Bautista na tinawagan niya ang kapitan ng may apat na nagpositibo sa Delta variant habang tinawagan na niya ang dalawa pang punong barangay na may Delta cases upang ilockdown na ang kanilang barangay.

Bahagi ng pahayag ni Mayor Arnold Bautista ng Tumauini, Isabela