--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatlo sa limang probinsya sa Rehiyon ang pinanggalingan ng labing anim na kaso ng Delta Variant ayon sa Case findings ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit o RESU.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Collaborating Center for Disease Control and Prevention Head Dr. Nica Taloma ng DOH Region 2 sinabi niya na kabilang ang probinsya ng Isabela na may siyam na naitalang kaso na sa bayan ng Tumauini, tatlo sa bayan ng Luna at isa ang nagmula sa lunsod ng Santiago.

Sa lalawigan ng Cagayan na may tig isang kaso sa bayan ng Ballesteros at Tuguegarao City.

Panghuli ay sa bayan ng Bayombong Nueva Vizcaya na matatandaang may nauna nang naitalang kaso nitong nakaraang mga linggo.

--Ads--

Ayon sa pagsusuri ng DOH Region 2 lahat ng nasabing kaso ay naitalang local cases o residente lahat sa rehiyon.

Sampu sa naitalang kaso ay household close contacts at ang dalawa ay nahawa sa kanilang trabaho habang ang apat ay hindi malaman kung saan sila nahawa.

Ayon sa DOH Region 2 tuluyan nang gumaling ang anim sa naitalang kaso sa rehiyon habang ang iba ay kasalukuyan pang nagpapagaling.

Sa kasalukuyan ay  nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kagawaran sa naging dahilan at kung saan nahawa ang mga pasyente at kung sila ay nakaadmit na sa mga ospital o nasa isolation facilities at nagpapagaling na.

Muli namang nagpaalala si Dr. Taloma sa mga kinauukulan na paigtingin ang mahigpit na pagbabantay sa mga border control checkpoints upang hindi na kumalat pa ang delta variant sa rehiyon.

Tiyakin din aniyang lahat ng mga close contacts ng mga nagpositibo ay mai-isolate upang malimitahan ang hawaan.

Kung kailangan aniyang magpatupad ng localized lockdown ay mas mabuti upang macontain ang virus sa mga lugar na may naitalang kaso ng virus lalo na kung marami ang contacts ng pasyente.

Kailangan ding mapabilis ang usad ng aggressive community testing sa mga lugar na may naitalang kaso ng delta variant.

Hinikayat din ni Dr. Taloma ang lahat ng mamamayan na magpabakuna na upang makaiwas sa mas malalang epekto ng virus.

Ang bahagi ng pahayag ni Collaborating Center for Disease Control and Prevention Head Dr. Nica Taloma ng DOH Region 2.