--Ads--

CAUAYAN CITY– Sobrang nalungkot ang mga Pilipino sa Amerika sa pagkakatalo ni Manny Pacquiao sa kanyang laban kay WBA “super” welterweight Champion Yordenis Ugas.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Alexander Cabugos na dumayo pa sila sa Las Vegas upang mapanood ang laban ni Pacquiao.

Sinabi niya na hindi match ang laban dahil may edad si Pacquiao kumpara kay Ugas bukod pa sa mahaba ang kamay ng cuban boxer .

Bukod pa sa ang pinaghandaan ni Pacquiao ay si Errol Spence at hindi napaghandaan nang husto si Ugas.

--Ads--

Dapat din anyang kinansela ang laban ni Pacquiao noong hindi lumaban sa kanya si Errol Spence

Masakit at nalungkot din sila sa pagkakatalo ni Pacquiao at sinabi maaaring ito na rin ang pagkakataon para magpahinga siya sa boksing.

Pinag-uusapan anya nilang mga magkakaibigang Pilipino na panahon na para magretiro na sa boksing si Pacquiao

Bahagi ng pahayag ni G. Alexander Cabugos

Inihayag naman ni Gng. Tina Sorca ng Las Vagas na panahon na para magpahinga na si Pacquiao at hindi na dapat humingi pa ng rematch.

Naghanda pa anya silang magkakaibigan ng salu salo para sa laban ni Pacquiao ngunit sobrang lungkot nila ng matalo.

Naniniwala din siyang hindi na dapat pang humingi ng rematch si Pacquiao.

Bahagi ng pahayag ni Gng. Tina Sorca