CAUAYAN CITY – Nilinaw ni Mayor Arnold Bautista na hindi bagong kaso kundi una nang naireport na kaso ng delta variant ng COVID-19 ang bagong lumabas na 3 na kaso sa bayan ng Tumauini, Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Mayor Bautista na ang apat ay nagpositibo uli sa re-swab test sa kanila at ipinasuri sa Philippine Genome Center
Sa isang barangay aniya na may unang nagpositibo na lima sa delta variant ay isinailalim sa reswab test at maging ang isang barangay na naunang may 4 na kaso.
Ang apat ay muling nagpositibo sa COVID-19 kaya ipinasuri sa Philippine Genome Center at ito ang inilabas na karagdagang kaso sa bayan ng Tumauini.
Ang apat na muling nagpositibo sa reswab test ay nasa isolation facility ng LGU at tinatapos ang kanilang 14 na araw na quarantine at muling isasailalim sa swab test para matiyak na negatibo na sila sa virus.
Ang lima naman ay negatibo na ngunit tinatapos din nila ang kanilang labing-apat na araw na quarantine
Binanggit din ni Mayor Bautista na isang nagpositibo ngunit gumaling sa kalapit na barangay ng mga unang nagpositibo ang tumawag sa kanilang Municipal Health Officer (MHO) at ipinabatid na tinagawan siya ng DOH at sinabi sa kanya na positibo sa delta variant.
Dahil dito ay pinayuhan siya na huwag lumabas at agad na isasagawa ang contact tracing.
Nilinaw ni Mayor Bautista na hindi pa ito kumpirmado ngunit gumagawa na sila ng paraan para makumpirma sa DOH.






