--Ads--

CAUAYAN CITY – Isasailalim sa lockdown ang isang purok sa barangay na pinanggalingan ng namatay na  kinapitan ng COVID-19 Delta Variant noong ikalima ng Agosto sa nasabing bayan.

Nauna rito, sa inilabas na talaan ng DOH region 2 ay mayroong panibagong tatlumput dalawang Delta Variant ang naitala sa Region 2 kung saan , labing lima sa Isabela, Sampo ang naitala sa Cagayan, lima sa Nueva Vizcaya at dalawa sa Quirino

Sa labing limang naitalang Delta variant sa Isabela ay lima sa Santiago City, tigdalawa sa mga bayan ng Aurora, Jones at San Mateo at tig-isa sa mga bayan ng Tumauini, Alicia, Roxas at Lunsod ng Ilagan

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Mayor Joel Amos Alejandro ng Alicia na kahapon ng umaga lamang inilabas ang resulta ng pagsusuri ng pasyenteng namatay noong  ikalima ng Agosto na kinapitan ng Delta Variant.

--Ads--

Nagpositibo anya sa RT-PCR Test ang pasyente na mayroong ashtma at biglang namatay  ngunit kahapon ng  umaga lamang lumabas na delta variant positive.

Matapos matanggap ang nasabing impormasyon ay pinulong niya ang Local Interagency Task Force at pinag-usapan ang kanilang mga hakbang na isasagawa.

Kaagad na binalikan ng Local Interagency Task Force ang barangay ng pasyente at nagsagawa ng contact tracing.

Sa ngayon ay mayroong dalawang COVID-19 positive sa barangay na pinanggalingan ng Delta Variant kaya naglabas siya ng Executive Order na ilalaockdown ang isang purok sa loob ng pitung araw at imomonitor kung magkakaroon pa rin ng kaso ng COVID-19.

Sa isinagawa anyang contact tracing ay ivavalidate muna niya kung contact ng namatay ang dalawang positibo ngayon ng COVID-19.

Noong araw Linggo ay mayroong siyamnaput tatlong active cases ang Alicia, Isabela.

Ang bahagi ng pahayag ni Mayor Joel Amos Alejandro ng Alicia.