--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbigay ng pagpapahayag ang pinuno ng Danggayan dagiti Mannalon ti Isabela o DAGAMI tungkol sa umanoy red tagging laban sa kanya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Renato Gameng ng San Fransisco Alicia Isabela, pinuno ng DAGAMI, nilinaw niyang hindi siya supporter o rekruter ng makakaliwang grupo na CPP NPA na taliwas sa ipinapaskil na kanyang pangalan at larawan na nagsasabing siya ay involved o supoorter at rekruter ng CPP NPA.

Aniya ang kanilang organisasyon ay legal na organisasyon ng mga magsasaka at pinapahintulutan ng DOLE at hindi labag sa batas ang kanilang ginagawa kundi tumutulong lamang sa mga magsasakang may problema sa kanilang lupa.

Aniya nagkaroon ng DAGAMI dahil sa hindi nabibigyang pansing hinaing ng mga magsasaka lalo na ng ahensya ng pamahalaan.

--Ads--

Dahil sa kanilang pagtatanggol sa mga magsasaka ay naging dahil na ng ilang ahensya ng pamahalaan na ituring silang terorista na hindi naman nila gawain.

Nilalagay sa mga karatulang ikinakalat sa mga kalsada ang kanyang pangalan at sinasabing siya ay kasapi ng makakaliwang grupo.

Ang ganitong gawain o alegasyon ng PNP at AFP ay nagdudulot ng takot sa kanyang seguridad lalo na at kitang kita ang kanyang mukha at pagkakakilanlan sa nasabing karatula.

Mariiing itinanggi ni Ginoong Gameng na siya ay kasapi at rekruter ng CPP NPA dahil pangulo lamang siya ng kanilang organisasyon.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Renato Gameng

Samantala sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan kay Army Maj. Jekyll Dulawan, tagapagsalita ng 5th Infantry Division Phil. Army, sinabi niya klarong klaro na ang DAGAMI ay organisasyon ng CPP NPA NDF at parte ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP at mismong si Jose Maria Sison na ang nagred tagged sa kanila.

Aniya malinaw na ang DAGAMI ay kabilang sa nasabing organisasyon dahil sa kanilang banner tuwing nagsasagawa ng Rally ay may nakalagay na KMP.

Mismong lider na umano ang nagsabi na sila ay mga front organization ng CPP NPA NDF kaya huwag sanang isisi sa mga sundalo at iba pang security forces ang pagkakabanggit sa kanilang pangalan.

Itinanggi naman ni Maj. Dulawan na hindi gawain ng mga sundalo at puli ang sinabi ni Ginoong Gameng na pagpapakalat ng mga plakard o karatula na may nilalamang alegasyon laban sa kaniya.

Marami na umano silang nakitang ebidensya na ang nasabing grupo ay kabilang o supporter ng NPA tulad ng mga larawan ng ilang lider na natagpuan sa mga dokumnetong nakuha ng mga sundalo sa mga nakubkob na kuta ng mga rebelde.

Ang bahagi ng pahayag ni Army Maj. Jekyll Dulawan.