--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip ng mga otoridad ang ikalawang most wanted person sa lalawigan ng Nueva Vizcaya na sinampahan ng kasong rape dahil sa ilang ulit umanong panggagahasa sa menor de edad na kapatid.

Sa nakuhang  impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office (NVPPO), ang akusado ay dinakip ng  mga kasapi ng Villaverde Police Station at 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Hukom Cicero Jandoc ng RTC Branch 29 sa Bayombong, Nueva Vizcaya.

Ang naaresto na itinago sa pangalang Mike, 26 anyos at  residente ng  Nagbitin, Villaverde, Nueva Vizcaya ay isinumbong sa pulisya ng kanyang kapatid na ilang beses na gumahasa sa kanya.

Ayon sa biktima, nag-umpisa ang panghahalay sa kaniya boong Marso  2019 nang  pasukin sa kaniyang silid ng akusado na may hawak na kutsilyo.

--Ads--

Nasundan ito ng ilang beses kapag umuuwi noon na lasing ang kapatid.

Nagbanta umano ang akusado na siya ay papatayin kayat hindi agad na nagsumbong.

Dinala ang akusado sa  Villaverde Police Station bago ipasakamay sa court of origin.