--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang paghahanda ng OCD Region 2 sa magiging epekto ng paparating na bagyong Kiko na patuloy na nasa karagatan ng bansa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Conag, ang Information Officer ng OCD Region 2 sinabi niya na sa kasalukuyan ay wala pang apektadong mga pamilya sa bagyo ngunit patuloy ang kanilang masinsinang pagmonitor sa mga lugar na maaring magkaroon ng landslide maging sa mga flood prone areas.

May abiso na rin ang OCD Region 2 sa mga local chief executives na magsagawa na ng preemptive evacuation sa mga mamamayang maaaring maapektuhan ng bagyo sa kanilang nasasakupan.

Matatandaang nasa blue alert status na ang OCD Region 2 bilang paghahanda sa paparating na bagyong Kiko.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Conag nakapreposition na ang lahata ng kakailanganin sa mga lugar na tatamaan ng bagyo.

Kapag lumakas ang epekto ng bagyo ay maaaring itaas sa red alert ang status kung saan may mga magsasagawa na ng pagresponde ang mga kasapi ng rescue teams sa bawat lugar na maaapektuhan.

Sa kasalukuyan ay nakataas na sa signal no. 3, 2 at no. 1 ang ilang lugar sa Rehiyon pangunahin na ang ilang bayan sa lalawigan ng Cagayan, Batanes at Isabela.

Pinaalalahanan naman ng OCD Region 2 ang mga mamamayan na patuloy na mag ingat at makinig sa mga impormasyon o advisories tungkol sa bagyo at lumikas na kung kinakailangan upang makaligtas sa kapahamakan.