CAUAYAN CITY – Hindi na madaanan ang Alicaocao Overflow Bridge matapos umapaw ang tubig sa ilog.
Kapansin-pansin na maraming taong papauwi sa Forest Region at Poblacion area ang na-stranded dahil hindi na madadaanan ang nasabing tulay dahil sa malakas na agos ng tubig.
Unti unti namang nakatawid ang mga mamamayan matapos mayroong bangkang de motor ang nagtatawid sa kanila.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Barangay Tanod Allan Laggui ng Alicaocao, Cauayan City na pasado alas dos ng hapon ay umapaw na ang tubig sa tulay.
Sa tulong ng mga kasapi ng PNP at POSD ay tinitiyak nilang walang tumatawid sa nasabing tulay at maiwasan ang aksidente.
Inihayag ni Barangay Tanod Laggui na sampong piso ang binabayarang pasahe kada pasahero na itatawid ng motor bangka at limitado ang mga isinasakay dahil sa malakas na agos ng tubig sa ilog.





