--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagpapadala ng OCD Region 2 ng mga tulong tulad ng food packs sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyon Kiko sa Lalawigan ng Batanes at sa Calayan Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Michael Conag, ang tagapagsalita ng OCD Region 2, sinabi niya dalawang araw na nagsagawa ng aerial assessment si Regional Director Harold Cabreros at ng DSWD katuwang ang Philippine Air Force sa mga island municipalities na lubhang apektado ng bagyo maging ang pagpapadala na rin ng family food packs at iba pang pangangailangan ng mga residente.

Nabanggit ni Gov. Marilou Cayco ng Batanes na pinakakailangan ngayon sa kanilang lalawigan ang bigas dahil paubos na ang kanilang suplay maging ang mga kailangan sa pagpapatayo ng mga nasirang bahay tulad ng yero, pako at iba pa.

Ayon kay Information Officer Conag kasalukuyan pa ang kanilang beripikasyon sa datos ng sira ng bagyo maging ang mga nabigyan na ng ayuda dahil hindi pa pinal ang naipadala ng mga apektadong LGUs at iba pang ahensya ng pamahalaan.

--Ads--

Tiniyak niyang patuloy ang kanilang pagpapadala ng food packs mula sa DSWD at iba pang pangangailangan ng mga apektadong lugar katuwang ang air assets ng Philippine Air Force.

Prayoridad nila ngayon ang damage assessment at needs analysis upang hindi masayang ang mga bibilhing logistical support na ipapadala sa mga apektadong lugar.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Michael Conag, ang tagapagsalita ng OCD Region 2.