--Ads--

CAUAYAN CITY – Marami nang mga botante ang humahabol na nagpaparehistro para makaboto sa halalan sa susunod na taon ayon sa Comelec Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Jerby Cortez, ang Regional Election Director ng Comelec na humihirap ang pagpaparehistro ngayon hindi lamang sa mga kawani ng Comelec kundi sa mga magpaparehistro dahil sa last minute bagamat hindi katulad noong wala pang pandemya na walang iniintinding virus.

Aniya kaunti na lang ang hindi nila nakakamit sa kanilang target na bilang ng magpaparehistro at umaasa silang maaabot din ito sa pagdaan ng mga araw o sa ikatatlumpu ng Setyembre na deadline ng pagpapatala.

May mga hindi pa rin nag ooperate na mga tanggapan ng Comelec matapos na magpositibo ang ilang election officers sa Covid 19 ngunit umaasa ang Comelec na makakapagpatuloy na ang mga ito sa susunod na linggo.

--Ads--

Dahil sa inaasahang dagsaan ng tao sa opisina ng Comelec ay nakipag ugnayan na ang PNP para magbigay ng karagdagang seguridad at pagbabantay na rin sa pagsunod ng mga tao sa health protocols.

Sakaling palawigin ang pagpaparehistro sa ikatatlumput isa ng Oktubre ay maaapektuhan ang ilang paghahanda ng Comelec at kailangang magkaroon muli ng Election Rigistration Board hearing na magiging dahilan ng delay sa kanilang timeline.

Ayon kay Atty, Cortez kakayanin naman ito ng Comelec ngunit mas maganda nang hindi na palawigin pa dahil maaaring maulit lamang ang mga pag extend nila sa mga nakaraang buwan na walang masyadong nagpupunta para magpaparehistro at saka lamang pupunta kapag last minute na.

Muli naman siyang nanawagan sa mga mamamayan na hindi pa nakapag parehistro na magtungo na sa mga registration centers ng Comelec.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Jerby Cortez.