
CAUAYAN CITY – Maagang isinagawa ang Antigen Testing para sa mga Licensure Examination for Teachers o LET takers sa SDO Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Alfredo Gumaru Jr. Ang Shools Division Superintendent ng SDO Cauayan City, sinabi niya na hindi na sila umuwi kagabi kasama ang mga kawani ng DOH para paghandaan ang pagsusulit ngayong araw.
Ngayong araw na ang itinakdang pagsusulit at tiniyak ng SDO Cauayan City ang kanilang kahandaan para sa nasabing exam.
Aniya alas singko ng umaga sinimulan ang antigen testing sa 780 LET Takers sa Gymnasium sa likod ng SDO Cauayan City bago sila pupunta sa kani-kanilang school at room assignments sa oras na alas otso ng umaga.
Dala na mismo ng mga takers ang kanilang antigen test kits at ang mga kawani na ng DOH ang magsasagawa ng testing ngunit kung hindi naman aprubado ng FDA ang dala nilang kit ay may handang kits ang DOH.
Ilang araw palang bago ang pagsasagawa ng pagsusulit ay dumating na sa lunsod ang mga examinees maging ang mga kawani ng PRC at personnel ng DOH na mag aassist sa antigen testing ngayong umaga.
Kapag negatibo ang antigen test ng mga examinees ay diretso na sila sa kanilang school at room assignments para sa kanilang pagsusulit at hindi na sila maaari pang lumabas kaya kailangan nang magdala ng kanilang meryenda at iba pang kailangan sa exam.










