--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaganda ng Land Transportation Office  o LTO ang kanilang dating sistema sa IT Infrastructure na pag-aari ng service provider na RadCom sa pamamagitan ng LTMS o Land Transportation Management System na  pag aari naman ng LTO.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Regional Director Manny Baricaua ng LTO Region 2, sinabi niya na nakapagroll out na ang halos lahat ng field offices nila sa rehiyon at ang tanging hindi pa nagrollout ng modules ng kanilang bagong sistema ay ang Sanchez Mira extension office at Tuguegarao City District Office.

Aniya ang bagong sistema ay isang IT Infrastructure na proyekto ng LTO at napaganda  ang law enforcement and traffic adjudication System, motor vehicle registration inspection system, drivers license system at revenue collection system.

Sa LTMS ay mayroong public portal na pwedeng puntahan at kailangan dito ang paggawa ng account ng isang may-ari ng isang sasakyang nais na magparehistro o I-update ang kanyang rehistro o lisensya.

--Ads--

Ayon kay Baricaua, wala na rin ang mga window na dapat sundan sa pakikipagtransaksyon sa LTO dahil sa bagong sistema ay naging singular window na lamang upang hindi makakalito.

Aniya kapag nakapag lo- in na sa portal.lto.gov.ph na inisyal na dapat gawin tulad ng online appointment ay diretso na sa LTO para sa anumang transaction ng walang binabayarang IT fee.

Dahil bago pa ang sistema ay asahang tatagal ang transaction lalo na sa mga hindi pa alam kung paano gumamit ng email ngunit kapag lahat ay nakagawa na ng account sa portal ay mas mabilis na ang transaction dahil gagawin na ito online.

Ayon kay Assistant Regional Director Bariacaua kasalukuyan pa ang pag import sa mga datos mula sa kanilang old system patungo sa bagong system.

Hindi naman phinase-out ng LTO ang dating sistema dahil kailangan pa rin ito sa bagong sistemang  ipapatupad ngayon na wala pa gaanong naimport na database.

Aniya halos lahat na ng LTO sa buong bansa ay gumagamit na ng bagong sistema.

Muli namang pinaalalahanan ni Assistant Regional Director Bariacaua ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga fixer na umaaligid sa LTO.

Ang bahagi ng pahayag ni Assistant Regional Director Manny Baricaua ng LTO Region 2.