--Ads--

CAUAYAN CITY – Naagapan ng mga local government units ang pagkalat ng second wave ng African Swine fever sa ikalawang rehiyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA region 2 na bagamat nagtala ang ilang bayan sa rehiyon ng African Swine Fever ay bumaba na ang tinatamaang baboy.

Mayroon na ring ilang bayan na hindi nagtala ng ASF sa loob ng anim hanggang pitong buwan na pinagsasagawaan na nila ng repopulation matapos isailalim na sa pink classification mula sa dating red classification.

Ayon pa kay Regional Executive Director Edillo na mayroong dalawang bayan sa Isabela ang nagtala ng second wave ng ASF ngunit kakaunti lamang ang namatay na baboy at kaagad naagapan ng mga LGU’s.

--Ads--

Habang sa Cagayan ay nagkaroon ng second wave ng ASF sa mga bayan ng Piat, Tuao, Iguig, Pamplona, Ballesteros at Abulog ngunit kaagad namang naagapan.

Nagkaroon rin ng second wave sa Diffun, Quirino ngunit limang baboy lang ang isinailalim sa culling.

Naganap  ang second wave ng ASF sa Iguig, Cagayan  kung saan apatnapong baboy ang isinailalim sa culling noong Ikadalawamput lima ng Setyembre, 2021

Lumabas sa kanilang pagsisiyasat na maaring nagmula ang second wave ng ASF  sa karne na bibibili ng mga nag-aalaga ng baboy at ang mga ahenteng nagdedeliver ng mga feeds sa mga babuyan

Dahil dito nanawagan si Regional Executive Director Narciso Edillo sa mga nag-aalaga ng mga baboy na palakasin ang kanilang bio-security upang maiwasang matamaan ng ASF ang kanilang mga alaga.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Executive Director Narciso Edillo.