
CAUAYAN CITY – Apat na pasyente sa COVID-19 mula sa Batanes General Hospital ang tinanggap ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City.
Unang inirefer ang isang 88 anyos na pasyente noong araw ng Biyernes.
Ang dahilan ay nasa severe to critical cases ang mga pasyenteng inilipat sa CVMC.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Glenn Matthew Baggao, hepe ng CVMC na ang ng Batanes General Hospital ay nasa level 1 lamang kaya inilipat sa CVMC ang isang pasyente na nasa criticial at tatlong pasyete na severe ang kalagayan para mabigyan ng tamang lunas.
Ang dalawang babae at dalawang lalaki na pasyente ay pawang taga-Basco, Batanes.
Samantala, may sapat na suplay ng oxygen ang CVMC.
Sinabi ni Dr. Baggao na bukod sa oxygen generating plant ay nakabili sila ng dagdag na 300 na tangke ng oxygen kaya umabot na sa 500 na tangke ng oxygen ang CVMC.




