CAUAYAN CITY – Muling tatakbo sa gubernatorial race si incumbent Governor Rodito Albano at runningmate si incumbent Vice Gov. Faustino ‘Bojie’ Dy III.
Dakong alas diyes kaninang umaga nang magtungo sila sa tanggapan ng Comelec-Isabela sa Lunsod ng Ilagan para maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) para sa kanilang reelection bid.
Naghain din ng COC si incumbent Congressman Antonio ‘Tonypet’ Albano ng 1st district ng Isabela maging ang muling magpapahalal na sina incumbent Congressman Ian Paul Dy ng 3rd district, Faustino Michael Carlos Dy III ng 4th district at Faustino ‘Inno’ V ng 6th district.
Si Mayor Joseph Tan naman ng Santiago City ay naghain ng COC para sa pagtakbo sa pagka-congressman ng ikaapat na distrito ng Isabela.
Naghain din ng COC sa pagka-congressman sina Stephen Soliven para sa 1st district, Jeryl Harold Respicio para sa 2nd district, Lucas Florentino para sa 4th district at Cheryl Armi Macutay-Alviar para sa 6th district.
Ang mga naghain na ng COC para sa pagtakbo sa pagka-board member ay sina incumbent SP Members Marco Paolo Meris, Delfinito Emmanuel Albano, Ed Christian Go at Edgar Capuchino at mga bagong kandidato na sina Rambo Baysac at Mary Grace Arreola.






