--Ads--

CAUAYAN CITY– Lumabas sa pagsisiyasat ng San Manuel Police Station na lasing ang tsuper ng motorsiklo bumangga sa sinusundang motorsiklo sa Brgy. Babanuang, San Manuel, Isabela.

Ang mga nasangkot sa aksidente ay ang Honda TMX 125 na minamaneho ni Jetro Valdez, 21 anyos residente ng Eden, San Manuel, Isabela at isang Yamaha motorcycle na minamaneho ni Jerwin Santiago, 24 anyos at residente ng Bolinao, Aurora, Isabela.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Staff Sgt. Emerson Ranchez ng San Manuel Police Station na binabagtas ng motorsiklong minamaneho ni Valdez ang lansangan patungong Hilagang direksiyon nang hindi nito mapansin at binangga ang sinusundang itim na Yamaha motorcycle na minameneho ni Santiago.

Nabagok ang ulo ni Valdez habang ang backrider nito ay nagtamo lamang ng minor injury

--Ads--

Dinala sa pagamutan ang mga biktima ngunit idneklarang dead on arrival sa pagamutan si Valdez.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na lasing umano si Valdez at kanyang backrider nang masangkot sa aksidente.

Bahagi ng pahayag ni PStaff Sgt. Emerson Ranchez