--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigit 20,000 na baboy na ang ipinaseguro ng mahigit 6,000 NA hog raisers sa region matapos na mag-alok ng libreng  insurance ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Roberto Busania, Regional Technical Director for Operations and Extension ng Department of Agriculture (DA) region 2 na ang insurance  ang magsisilbing safety net dahil may makukuhang indemnification sakaling tamaan ng African Swine Fever (ASF) ang mga alagang baboy.

May level ng indemnification dahil ang fattener ay 10,000 pesos ang makukuha ng hog raiser habang mas mababa kung mas maliit ang baboy.

Binigyang-diin ni Dr. Busania na maganda ang programang  ito  dahil mula July 2021 ayy hindi muna makapagbibigay ng bayad-pinsala ang DA bunsod ng kakulangan ng pondo.

--Ads--

Ayon pa kay Dr. Busania, hanggang kahapon, October 7, 2021 ang kabuuang baboy na naipa-seguro na ay  20, 146 at ang pinakamarami ay mga fatteners na 14,577 habang sa inahin at boar ay 5,569.

Batay aniya sa guidelines, ang baboy na puwedeng maipaseguro ay 45 days hanggang aabot sa 100 kgs ang timbang.

Ang mga ito ay mula sa mga backyard hog raisers at hanggang 20 na baboy ang puwede nilang ipaseguro at dapat na anim na buwan nang walang ASF sa kanilang lugar.

Ayon kay Dr. Busania, ang mga magpapaseguro na commercial hog raisers ay may babayarang premium.

Hindi lang ASF ang puwedeng ipaseguro kundi ang hog kolera at iba pang sakit ng baboy.

Ang mga hog raisers na magpapaseguro sa PCIC ay dapat na nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) na ginagawa ng mga City at Municipal Agriculture Office.

Ang pahayag ni Dr. Roberto Busania