--Ads--

Natukoy na ang pagkakakilanlan ng anim na kalalakihang nanloob at tumangay ng libo libong halaga ng makinarya sa isang planta sa Lunsod.

Matatandaang sa pamamagitan ng sang concenred citizen ay natukoy at natunton ang kinaroroonan nina Alyas balong na residente ng barangay San fermin at Cesar Meneses na residente ng barangay District 1.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Alyas Balong sinabi niya na dati na siyang may record sa mga otoridad dahil na sangkot na rin siya sa parehong gawain noong 2018 subalit hindi na ito nasundan pa dahil nagbabagong buhay na siya at handang makipag tulungan sa pulisya..

iginiit niya na nakainom sila ng nakalalasing na inumin ng looban nila ang Agricom Machineries and Construction Corporation o AMCC sa Sitio Padilla Barangay Tagaran noong ikatlo ng ocktubre.

--Ads--

Aniya kawalan ng pera ang dahilan kung bakit niya naisipang sumama sa pagnanakaw sa loob ng palnta dahil bilang pintor ay hindi sapat ang kaniyang kinikita para sa pagpapagamot ng kaniyang limang buwang gulang na anak na kasalukuyang nasa ospital  dahil sa sakit nitong impeksiyon sa dugo.

Aniya, walo silang magkakasama sa grupo anim sa kanila ng pumasok habang nag silbing look out ang dalawa.

Kabilang sa kanilang grupo sina Marlito Salgado alyas musing ng barangay  District 1 na sinasabing master mind sa nasabing pagnanakaw, Clark Alimoc,alyas tisoy residente ng barangay San Fermin, John Mico Dela Cruz alyas Mico, John Carlo Cabucana alyas kabo at Joey Ordoniez alayas dencio at isang menor de edad na kapatid ni alyas balong.

Ang bahagi ng pahayag ni Alyas Balong.

Sa pakikipag ugnayan naman ng Bombo Radyo Cauayan sa Investigation section ng Cauayan City Police Station, kung papayagan umano ng korte ay magiging witness umano si Balong at Cesar upang masampahan na ng kaso sa susunod na linggo ang mga suspek.

Samantala nasa pag iingat padin naman ng kapulisan ang mga narecober na mga kagamitan at kanila rin umano itong ibabalik sa naloobang planta pag makapagsampa na sila ng kaso laban sa mga pinaghihinalaan.

Matatandaang natangay noon ng anim na kalalakihan ang pitong mga portable welding machine, isang welding machine,siyam na grinding machine at labing tatlong royal cord matapos nilang pasukin ang nasabing planta.

Sa naging panayam naman ng Bombo Radyo Cauayan Kay HR representative Mercedita Ramos ng AMCC sinabi niya na  matapos ang nangyaring nakawan ay nag post siya sa kanyang social media account patungkol dito.

Marami umano ang mga nagsabi o nagkomento na maging sila ay nakaranas at nanakawan din at pare pareho umano ang tinutukoy ng mga ito na maaring suspek.

Bukod dito ay tumawag rin sa kanila ang isang concern citizen mula sa barangay minante uno at sinabing mayroon umanong nagbebenta sa kanyang kapatid  ng mga  nakaw na kagamitan dahil ka pareho nito ang mga nalalawang gamit ng palnta  na naka post sa social media.

Agad nilang pinuntahan ang lugar at nagpatulong sa punong barangay at mga tanod.

Kilala umano ang mga suspek sa kanilang barangay dahil sa kanilang gawain kayat agad din natunton ang mga ito.

Noon una ay itinanggi pa ng dalawang pinaghihinalaan ang akusasyon ngunit kalaunan ay umamin din ang mga ito.

Ayon sa dalawang pinaghihinalaan dinala nila ang mga nikakaw na gamit sa bahay natinutuluyan ng isa sa kanilang mga kasaman sa barangay San Carlos.

Matapos makumpirma ang lugar ay agad itong tinungo ng mga kawani ng PNP at barangay San Fermin kung saan narekober ang tatlong portable welding machine, tatlong royal cord at tatlong  grinding machine.

Naging daan rin ang pagamin ng dalawa upang matukoy pa ang pagkakakilanlan ng iba pa nilang kasamahan.

Ang bahagi ng pahayag ni HR representative Mercedita Ramos ng AMCC.