--Ads--

CAUAYAN CITY – Nadakip sa isang anti illegal drug buy bust operation ang isang private employee matapos na maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa Brgy. Malvar.

Ang pinaghihinalaan ay si Artemio Panganiban,dalawampu’t dalawang taong gulang,kawani ng Santiago Water District o SANWAD at residente ng Caloocan, Santiago City.

Sa pakikipagtulungan ng City Drug Enforecement Unit ng SCPO, Santiago Drug Enforcement Unit  at ng PDEA RO2 ay ikinasa ang isang anti-illegal drug buy-bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto ni Panganiban.

Ayon sa mga awtoridad bitbit ang isang transparent plastic zipped locked  sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong  dahon ng Marijuana ay nakipagtransaksyon si Panganiban sa isang puli na nagpanggap na buyer  kapalit ng limang daang psio.

--Ads--

Si Panganiban ay kabilang sa High Value Individual List ng mga awtoridad.

Siya ay agad na dinala sa Southern Isabela  Medical Center para isailalim sa medical examination habang inihahanda na ang kasong paglabag sa sec 5, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kaniya.