--Ads--

CAUAYAN CITY– Umaabot na sa 539,506 o 27.34% ang fully vaccinated sa buong Region 2 .

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Head Operation for Vaccination DOH region 2 Joyce Maquera na 2.5 million ang estimated na kailangang mabakunahan upang makamit ang herd immunity sa rehiyon dos.

Magmula noong October 7, 2021, mayroong nang total doses administered na 1,145,490 doses .

Ang mga nakatanggap nang first dose ay aabot na ng 605,984 at ang fully vaccinated na ay 539,506 o 27.34% fully vaccinated.

--Ads--

Ayon kay Maquera ang A1 priority liast ay aabot na sa 95.22% ang fully vaccinated sa buong region 2 o aabot sa mahigit 61,000 habang sa expanded A1 o mga karagdagang health workers ay may naidagdag na 15,815 , sa A2 priority list ay nasa 61.12% na isang challenge sa DOH na dagdagan ang bilang ng mga nababakunahang senior citizens.

Upang madagdagan ang mga mababakunahan sa A2 priority ay isasagawa nila ang A1+1 strategy

Samantala sa A3 priority group nasa 65.44 % na habang sa A4 o mga frontline in essentials sector ay mayroon pa lamang 7.5% at sa A5 ay mayroon nang 1.49% vaccinated.

Ang vaccination rollout anya sa rehiyon dos ay simultaneous ngunit kinakailangan lamang na sundin ang mga priority framework.

Bahagi ng pahayag ni Head Operation for Vaccination DOH region 2 Joyce Maquera