--Ads--
CAUAYAN CITY – Itinaas na sa Blue Alert ang Status ng Office of the Civil Defense o OCD region 2 bilang paghahanda sa bagyong Maring
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Michael Conag, tagapagsalita ng OCD Region 2 na nagsagawa ng Pre-Disaster risk assessment katuwang ang mga Local Disaster Risk Reduction Management Councils.
Napag-usapan sa kanilang Pre-Disaster risk assessment ay ang pre-positioning ng mga human resource at mga relief goods sakaling kinakailangan.
Lahat anya ng mga Emergency Operation Centers sa mga Local Government Units ay naka-stanby monitoring sa bagyong Maring.
--Ads--
Ramdan na rin ang ulan na dulot ng bagyong maring ilang bahagi ng Region 2 pangunahin na sa mga caostal areas ng Cagayan.











