--Ads--

CAUAYAN CITY –  Muling inactivate ng Cauayan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO)  ang mga emergency operations center sa Cauayan City bilang paghahanda sa posibleng maging epekto ng bagyong Maring.

Kailangan ito para sa pakikipag-ugnayan at pagmonitor  sa mga barangay kaugnay ng bagyo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni CDRRM Officer Ronald Viloria na nakahanda  ang mga personnel ng Rescue 922 sa mga sub-stations nito at nakaantabay ang mga dagdag na personnel sakaling may epekto ang bagyong Maring sa mga barangay sa Lunsod ng Cauayan.

Matatagpuan ang mga sub-stations ng Rescue 922 sa barangay  Maligaya para sa forest region, sa Buena Suerte para sa West Tabacal region, Villa Luna  para sa East Tabacal region at may proyekto na para magkaroon na rin ng sub-station sa Tanap region ng Cauayan City.

--Ads--

Palagi rin anyang handa ang mga kagamitan ng Rescue 922 dahil regular ang maintenance ng mga ito.

Minomonitor din nila ang upstream mula Nagtipunan, Quirino sa  pamamagitan ng mga katapat nilang LDRRMO para malaman nila kung malakas doon ang ulan.

Ito ang magiging  batayan nila ng pagpapatupad ng mga  preemptive evacuation lalo na sa nakatira sa mga  mababang lugar tulad sa  bahagi ng District 1 at district 3, Cauayan City na malapit sa sapa.

Regular din  ang kanilang ugnayan sa mga barangay sa pamamagitan ng ibinigay nilang kumpletong set ng base radio at guidelines sa  alert level advisory upang malaman nila ang dapat ilang gagawin.

Ang pahayag ni CDRRO Ronald Viloria