
CAUAYAN CITY – Simula kagabi ay nararanasan na ang pabugsu-bugsong hangin at ulan na dala ng bagyong Maring.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Roldan Esdicul na patuloy ang pagbibigay nila ng impormasyon sa mga LDRRMO.
Nakahanda ang lalawigan sa bagyong Maring bagamat bumabangon pa lamang sila mula sa malaking pinsalang dulot ng bagyong Kiko.
Kasalukuyan pa aniya ang rehabilitasyon ng mga naapektuhan ng bagyong Kiko kaya dagdag na pasanin ng mga mamamayan ang ang magiging epekto ng bagyong Maring.
Ang mga nawalan aniya ng bahay noong bagyong Kiko ay nabigyan ng shelter assistance para muli silang makapagpatayo ng bahay.
Kung may magbibigay ng dagdag na ayuda aniya ay malugod nilang tataggapin para sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyo.




