CAUAYAN CITY Pitung bayan ang tuluyang nawalan ng tustos ng kuryente dahil sa pananalasa ng Bagyong Maring sa Cagayan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PDRRM Office Head Darwin Sacramed ng Cagayan na ang mga bayan na nawalan ng tustos ng kuryente ay Abulog, Ballesteros, Claveria, pamplona, Sanchez Mira, Santa Praxedes at ang Western Part ng Aparri.
Sinabi pa ni PDRRMO Head Sacramed na maaaring matapos ang bagyo saka aayusin ang tustos ng kuryente sa mga nabanggit na bayan.
Samantala, inihayag pa ni PDRRMO Head Sacramed na inatasan na rin nila ang Department of Agriculture Cagayan na magsagawa ng pagtaya mga nasirang pananim na mais at palay na naapektuhan ng Bagyong Maring.
Sa kasalukuyan ay nasa mahigit 922 ektarya ang taniman ng palay at mais sa Cagayan.
Nauna rito ay naging viral ang video sa mahigit apatnaraang sako ng mais sa Baggao, Cagayan na inanod ng tubig baha











