--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagmonitor ng Office of the Civil Defense o OCD Region 2 sa mga naapektuhan ng Bagyong Maring sa lalawigan ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Michael Conag, tagapagsalita ng OCD Region 2 na patuloy ang kanilang komunikasyon sa mga coastal towns sa rehiyon dos.

Batay sa kanilang monitoring, mayroong mga naganap na pagbaha sa mga bayan ng Aparri, Boguey, Ballesteros, Calayan, Lallo, Lasam, Baggao, Gattaran, Peniablanca, Santa Teresita at Tuguegarao City sa Cagayan.

Sinabi ni Ginoong Conag na 207 families o 710 katao ang mga inilikas at nasa mga evacuation centers na pawang galing sa lalawigan ng Cagayan.

--Ads--

Wala namang naitalang inilikas sa mga lalawigan ng Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino at Batanes.

Nakahanda naman ang mga tulong na ipagkakaloob sa mga nasa evacuation centers.

Mayroon na ring mga overflow bridges sa mga bayan ng Baggao, Gattaran, Peniablanca, Santa Teresita, Gonzaga  at Lunsod ng Tuguegarao ang hindi na madaanan ng anumang uri ng sasakyan.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Michael Conag, tagapagsalita ng OCD Region 2.