--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang pagpapalabas ng tubig ng magat dam dahil sa malaking volume ng tubig na pumapasok mula sa mga watershed areas sa Nueva Vizcaya at Ifugao.

Nasa 189.83 meters ang water elevation ngayon ng Magat Dam, mahigit  anim na metro pa bago umabot sa spilling level na 193 meters.   

 Ang inflow ay 1,042.82 cubic meters per second habang ang outflow ay 693.67 cubic meter per second at isang spillway gate ang nakabukas na may taas na dalawang metro

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Carlo Ablan, Acting Division Manager ng Dam and Reservior Division ng NIA-MARIIS na nagsimula sila ng isang metro hanggang sa umabot sa dalawang metro ang ipinapalabas na tubig sa isang gate na nakabukas.

--Ads--

Sinabi ni Engineer Ablan na umabot sa halos 2,000 cubic meter per second ang inflow ng tubig kayat kailangan nilang magplabas ng tubig.

Malakas ang dalang ulan ng Bagyong Maring sa mga watershed ng Magat Dam pangunahin na sa Nueva Vizcaya at Ifugao.

SAMANTALA,  hindi madaanan ang overflow bridge sa  Alicaocao, Cauayan City dahil sa  mga pag-ulan na naranasan sa upstream pangunahing sa lalawigan ng Quirino at bumaba sa Cagayan River na dahilan ng pagtaas ng water level nito.    

Dahil unpassable ang tulay ay muling sasakay ng motor bangka ang mga residente sa mga barangay sa Forest Region ng Cauayan City na pupunta sa centro ng lunsod.

Patuloy ang pagpapalabas ng tubig ng magat dam dahil sa malaking volume ng tubig na pumapasok mula sa mga watershed areas sa Nueva Vizcaya at Ifugao.